Saturday, March 28, 2009

pinatamis ng ulan

Pinatamis ng Ulan
by: Francis Sune

may mga bagay na pinatamis ng ulan
tulad ng rambutan
na bumubunga kapag tagulan

ipinunla at sumibol sa isang bundok
sa tabi ng isang ilog
hinintay lumaki , at mahinog

pero ang panahon
hindi mo masubok
ulang nagpatamis
nagsimula na ng hamon

ito'y lumaki at lumakas
nagdala pa ng hangin
malamig at nagbabadya ng wakas

bumuhos ng malakas ang ulan
hindi ko akalain!
tamis na dulot nito
nagsimulang umagos
paalis...
pababa...
papaunta sa sadlak na lupa.

kasama ng mga pangarap kong
pinatamis at binuo
ng pagsisikap ko
naguho, naagos at nasira ng bagyo

sumikat ang araw
ngunit sa paligid ay bakas parin ang kahapon
pagkabigo at pagkasirang dala ng bagyo ng noon

subsob sa lupa ang munting bunga
bakas ang pagkatalo at pagkasira
hintayin lang dumaan
ang araw , linggo , buwan , taon at dekada
at mabubulok na ang nagahasang bunga
uuudin, madudurog at magiging bahagi ng lupa


matititra ang butong alaala ng bagyo
na tutubo at lalago
lalaki at yayabong
mulign mamumunga
ng rambutan
at katulad ng batas ng kalikasan:
ito'y patatamisin ulit ng ulan

No comments:

Post a Comment