tapos na ulit ang time duration ko sa lupa bilang tao...
isa nga pala akong shokoi.umahon lang ako para magserve sa simbang gabi...
iba ang pagahon kong ito. wala nang prinsesang naghihintay sa akin para magbigay ng towel kasi nga basa ako diba? galing dagat nga eh.
wala nang mga kamay paraq hawakan. walal nang "uy msta na?namiss kita ha."
mas malamig ang pagahon ko sa tubig kes nung una. wala na kasing prinsesa sa pang pang. wla nang magbabawal kumain ng matataba at maalat, pipigil uminom ng alak, wala ng magagalit pag nagpagabi ka sa labas at wala nang soundtrack na love song ang aking bawat hakbang. ang raming naiba ngayon, sobra.
pero.......
sa aking pagiging tao na inakala kong magiging drama movie ay may prinsesa akong nakilala. hindi pala iisa lamang ang prinsesa na nageexist sa lupa. sya siguro yung mas masarap pa kausapin kesa sa mga korean nung AYD.oo, tama . may nakilala nga akong bagong prinsesa. nalaman kong madami palang prinsesa sa mundo kahit na walang fairytale castle na makikita dito.
muli na ulit akong sumasaya. parang my soundtrack na ulit yong mga ginagawa ko. ang hindi ko lang alam sa sarili ko ay kung handa na ako magkameron ulit ng prinsesang naghihintay sa muli kong pagahon kasi muli na akong lulusong sa malagkit at kulay green na tubig na aking pinaggalingan. hindi ko alam kung ready syang maghintay sa muli kong pagaahon. hindi ko alam kung gusto ko syang paghintayin... hindi ko alam.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment